n i c e h e a r t

Bahaw at Tutong

February 24, 2008 update: 

This article was originally published in Pinoyatbp.

Alas siyete na ng gabi at sinabihan ko na ang mga bata na maghain na para naman kami ay makakain na at ako’y gutum na gutom na.  Kinuha ko ang rice cooker at iniligay ko sa gitna ng hapag-kainan.  Isa-isa nang nagsisandok ng kanin ang aking mag-aama.  Pinauna ko na sila at katulad ng dati, ako na naman ang nahuli.  Napansin ko na sadya nilang iniwasan ang bahaw na nakapatong sa bagong saing na kanin.

bahaw
 
“Guys,” ang sabi ko sa kanila, “ilang beses kong sasabihin sa inyo na uunahin n’yong kunin yung bahaw bago n’yo sandukin yung nasa ilalim.”
 
Kaya ako na lang tuloy ang kumuha at kumain nung bahaw.
 
Naalala ko tuloy nuong teen-ager pa kami ng sister ko.  Nakitira kami sa Auntie ko sa Maynila nung nag-abroad si Mama.  Mabuti na lang at mabait si Auntie at kinupkop niya kaming magkapatid kahit mayroon na siyang tatlong anak.   Naging isang malaking pamilya kami at lagi kaming salu-salung kumakain.
 
Isa sa mga bagay na hindi ko malimutan duon sa panahong inilagi namin sa kanila ay kapag nag-re-reklamo si Auntie na walang ibang kumakain ng kanyang sinangang.  Hindi kasi katulad ko na ipinapatong lang ang lumang kanin sa bagong saing, siya ay matiyagang nagsasangang ng tirang kanin.  Sa loob-loob ko naman, bakit niya pinagtitiyagaan at hindi na lang yung bagong saing din ang kainin niya?
 
Ngayon na lang na may mga anak na ako saka ko siya naiintindihan.  Ayokong masayang at itapon ang lumang kanin dahil sayang ang perang ipinambili ko nuon.  Magastos magpakain at magpalaki ng mga anak kaya kailangang magtipid kahit na yung karampot na kanin.  At saka isa pa, mas gugustuhin kong ibigay sa anak ko yung bagong lutong kanin na malambot kaysa duon sa lumang kanin na medyo matigas at minsan ay may tutong pa. 
 
Tutuo ito hindi lang sa kanin, kung hindi sa ibang pagkain din.  Kapag mayroong piniritong manok o baboy na medyo nasunog, hindi ko iyon ibibigay sa anak ko at kung alam kong kakapusin ang ulam ay ako ang kakain ng sunog na manok.  Ganuon din sa toast o cookie.  Kung alin yung mas maitim, iyon ang para sa akin.

toast
 
Ganito yata talaga ang mga ina.  We want to give the best things that we could possibly give to our children.  Nagsasakripisyo tayo para maibigay sa kanila ang gusto nila.  Katulad nung minsan, gusto ko sanang manuod ng concert ni James Blunt.  Kaso mo natapat sa Halloween night.  Alam kong gusto ng bunso kong anak na ako ang kasama niyang mag-trick or treat at hindi ang kanyang kuya.  Kaya nawalan na ako ng interes na manuod ng concert.  Saka isa pa, kailangan kasi ng mga bagong jacket ng mga anak ko dahil maliliit na yung ginamit nila nung isang taon kaya duon ko na lang inilaan yung dapat na pambili ng ticket.
  
Naalala ko tuloy yung sinabi ni Teri Hatcher (Susan Mayer from Desperate Housewives) sa interview niya nung pino-promote niya yung kanyang librong “Burnt Toast and Other Philosophies of Life.”  Sabi niya, “I watched my mother eat the burnt toast.  I watched her take what is the last, the worst, self-sacrificing up to a bad point.”  Or something to that effect.
 
burnt toast

Sinulat ni Teri Hatcher sa kanyang libro, “Up ’til now, I ate the burnt toast. I learned that from my mother — metaphorically if not literally.”  Patuloy pa niya, “This habitual self-sacrifice was well intended, it’s a mixed message for a child. It taught me that in order for me to succeed, someone else had to suffer. I learned to accept whatever was in front of me without complaint because I didn’t think I deserved good things.” 
 
Naisip ko, hindi nga magandang example sa mga anak natin iyon.  Natural instinct ng mga ina na mag-sakripisyo at unahin ang pangangailangan ng mga anak.  Pero kailangan din natin na bigyan ng panahon ang ating sarili.  Para naman matutunan ng mga anak natin na bigyan din nila ng kahalagahan ang sarili nila.
 
Katulad ko, lagi ko na lang iniisip, sana meron pang kanin na hindi bahaw, o sana meron pang natirang pancake, o fried chicken na hindi natusta o sana meron pa akong matirang perang pambili ng bagong blusa. 
 
Kaya ngayon kapag may ipinabibili ang mga anak ko, tinatanong ko muna sila kung importante ba iyon. Baka pwede munang ipagpaliban.  O kung kailangan talagang bilihin, yung medyo murang klase na lang muna ang kunin.  At nung isang linggo nga, kaunti na lang kasi yung natirang lumpia mula sa handa nung nag-birthday ang aking panganay.  Ipauubaya ko na lang ba sa kanila yung natirang lumpia?  Pero bihira lang kaming makatikim nuon at gusto ko pa rin namang kumain nung natirang lumpia.  Kaya hinati-hati ko sa aming lima.  Hindi ko kailangang i-deprive ang sarili ko ng masasarap na bagay.  Sabi pa nga ni Teri Hatcher, “we should find a balance where everybody gets something.”  Sang-ayon ako sa kanya.

About these ads

December 7, 2006 - Posted by | My life as a mom, Pinoyatbp.

2 Comments »

  1. These are the Responses to my article “Bahaw at Tutong” that was published in Pinoyatbp.

    1.Lani
    December 7th, 2006 07:41
    Totoo ka, minsan nakakalimutan natin ang mga sarili natin dahil sa pamilya. Pero sabi nga, “you have to love and respect yourself first, before you can give that love and respect to other people.”

    2.Derek
    December 7th, 2006 10:14
    My parents are like that…sabi nga nila “isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa mga anak mo”. I can only understand these things now that i became a father for 11 months. I guess i have a lot to learn. But for every lesson I remember the sacrifice that my parents did for us.

    3.ella
    December 7th, 2006 11:52
    Hi Irene,
    Why not throw the burnt toast away? Why does anybody have to sacrifice and eat it? Isn’t that a bit idiotic? sunog ‘yon, eh. mag-toast na lang uli. Bantayan para di masunog.
    But seriously, Teri Hatcher is 100% right. I’d appreciate it more if a friend or my father tells me gusto niya yung tiyan ng bangus na inihaw. Gusto ko rin ‘yon kaya maghahati kami. At hindi ako papayag na sa kanya lang ‘yon lahat, no!
    If my Tatay will sacrifice and then talk about it later, I’ll just laugh and say, that’s a lot of bullcrap! If the sacrifice didn’t really matter to him, he wouldn’t even remember it. Sumbat is the right term for it hehehe. Pa-guilt trip niya sa akin ‘yon.
    Pag natatandaan natin each and every little sacrifice, and we call them “sacrifice”, well, wala akong masasabi kundi careful, nakakahawang sakit ang martyr complex haha

    4.Patrice
    December 8th, 2006 01:59
    Alam mo, napaisip mo ako diyan. Ako kasi rin yung tipong nagpapaubaya. Sabi ng iba, hindi rin maganda kasi maaring abusuhin ng iba. Pero di ba yun ang pundasyon ng mga martyr at bayani? Kaya siguro wala nang bayani sa panahon. Tulad ng sabi ni Ella, kung magpaparaya ka at isusumbat mo pagkatapos, para ano pa’t nagparaya ka. Ganyan na karamihan ngayon. Kung magbibigay tayo ng kusa, siguraduhin natin na taos sa puso. Baka dumami ulit ang mga bayani.

    5.ella
    December 8th, 2006 03:00
    Hello Irene and Pat,
    Naku , Pat , ginawa ko na namang forum ito hehe sorry
    Napa-isip din ako sa point mo, Pat. Tama ka, ang pundasyon nga ng mga bayani ay nagsisimula sa sariling tahanan at attitude sa sariling pamilya.
    ‘Yan ang kulang sa bansa natin ngayon, mga bayani. Palagay ko, mas bayani material ang mga ina. Second nature kasi sa atin ang sacrifice. We just do it, hindi na pinag-iisipan. Not that guys don’t do their own share of sacrifice, no. kaya lang mas nakakagana kung pretty ang mga bayani natin hehehe

    6.irene
    December 8th, 2006 05:13
    That’s true, Derek. We don’t really understand the sacrifices our parents went through until we experience being a parent. Yung isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa anak mo, pwede mo rin namang sabihing, hati na lang tayo anak.

    7.Leah
    December 8th, 2006 08:54
    Pag naging isa kang ina o magulang, lahat ng msarap at maginhawa nais mo para sa iyong anak,ke sa pagkain man o gamit.
    Pero siyempre, Agree nga ako sa iyong sinulat, kelangan may time para sa ating sarili.

    8.manilenya
    December 8th, 2006 14:02
    naalala ko yung post ko tungkol sa bahaw at naalala ko rin kung paano ako kumain ng bahaw dahil sa takot mawalan ng pagkain sa mga susunod na araw kasi nakatanim na sa isip ko yung mga panahon na hawak-hawak ng nanay ko ang isang plato ng kanin at ulam habang sinusubuan kaming tatlong magkakapatid, pinagkakasya nya yun habang sya hindi kumakain, teka naiiyak na naman ako sa post mo Irene, mahilig ka talagang magpaiyak

    9.Irene
    December 8th, 2006 18:31
    I also try to live by that philosophy, Lani. For how can we love and respect others if we don’t love and respect ourselves?

    10.Irene
    December 8th, 2006 18:32
    Ella, why not throw the burnt toast away? Alam mo kasi meron talagang mga taong nanghihinayang na magtapon ng pagkain. Katulad ko minsan kapag hapit kami sa pera, nanghihinayang ako kapag may naaaksayang pagkain. Sabagay sabi ko nga hindi naman ako kumakain ng burnt toast. I like mine lightly done. Yung burnt toast ay representation din yata ng pagiging busy ng mga nanay, always doing many things at the same time kaya hindi nababantayan yung toast at nasunog tuloy.
    I think it’s easier to share with a friend or others, kaya lang kasi when it comes to your child, you want to give it all to them.

    11.nikki
    December 8th, 2006 18:57
    Likas na nga sa mga nanay yung pagsasakripisyo para sa ikabubuti ng mga anak pero sa amin ng Mama ko, madalas hati kami.
    Naisip ko din yung tungkol sa bahaw. Palagay ko, hindi naman actually nagsasakripisyo para sa mga anak ang mga nanay kapag kinakain nila ang bahaw. Kadalasan kasi ayaw talaga ng mga bata ang bahaw (kasi mga matigas na) kaya imbes na itapon, kakainin na lang ni nanay sayang naman kasi lalo na ngayon ang mahal ng bilihin. I think it has something to do more w/ economics rather than sacrificing.

    12.haze
    December 8th, 2006 20:13
    Hi Niceheart, Irene pala ang tunay mong ngalan ! Totoo ganyan ata ang pagiging magulang kaakbay na ang sakripisyo. Ngunit sa salinlahi (generation) na ngayon eh marunong na rin tayong mag balanse ng ating buhay.
    Naalala ko ang Nanay ko na hindi daw sya makakatulog hanggat may nakikita syang lamok sa loob ng kulambo at halos ayaw kaming padapuan ng langaw…na halos issubo na lang nya eh ibibigay pa nya sa amin…ngunit ang sarap di ba! Doon natin makikita kung gaano tayo minahal ng ating mga magulang kaya ganon din halos ang gusto nating gawin para sa mga anak natin. Ngunit sa kabilang punto, nag iiba ang panahon at nag iiba rin ang paniniwala ng bawat isa kinakailangan din nating mga ina na alagaan at pahalagahan ang ating sarili ! Minsan kapag napasobra at ibinigay natin sa kanila ang lahat lahat nagiging “spoiled brat” sila.
    I think parents are always responsible for our children’s act. Tsaka wag kumain ng laging tutong o sunog iwasan ang kanser !

    13.irene
    December 9th, 2006 00:19
    Patrice, bakit nga ba may mga taong mapag-abuso ano? Kaya nga minsan mahirap din yung lagi kang nagpapaubaya. At hindi nga rin maganda yung nanunumbat. Kung gusto mong magbigay, dapat talaga taos sa puso, yung hindi ka naghahangad ng kapalit.
    Bayani at martyr, di nga ba’t may kasabihan na Charity begins at home. Mas marami nga tayong bayani na kalalakihan ano? Pero I believe that there’s a hero in each one of us just waiting to be discovered. We can all be heroes in small ways naman diba?

    14.irene
    December 9th, 2006 05:51
    Leah, kailangan nga tayong mag-laan ng time para sa sarili. Kasi naman dito sa Canada, wala tayong katulong o yaya kaya mahirap maghanap ng “me time.”
    Manilenya, natatandaan ko nga yung post mo tungkol sa bahaw na hindi mo maitapon-tapon. Yung mga childhood memories dala talaga natin hanggang pagtanda natin ano? Saka nakatanim talaga sa isip natin kung paano tayo pinalaki ng mga magulang natin. Kaya madalas nga nagiging katulad din tayo ng mga magulang natin when it comes to certain things. Mababa lang siguro talaga ang luha mo melai.
    Nikki, I agree that it has something to do with economics kasi nga kapag may pamilya ka lumalaki talaga ang gastos. Lalo na kapag dumadami din ang mga anak mo.
    Haze, totoo nga. I also notice that our generation is learning more how to live a balanced life. At mahirap ngang ibinibigay ang lahat ng gusto ng mga anak at baka nga maging spoiled. At katulad nga ng sabi ko kay manilenya, ang mga magulang ang model ng mga anak sa kanilang behaviour kaya kailangan talagang mag-set tayo ng good example.

    15.ann
    December 9th, 2006 09:04
    Kelan ko lang nalaman na bahaw pala yung kaning lamig. Pag may bahaw kami napupunta sa 2 maliit ko kasi ayaw nila ng mainit na yung soup ay mainit pa rin yung rice. Gusto na kasing kumain agad…hahaha! Pero yung eldest ko hindi ko mapakain ng kaning lamig.
    Natural na reaksyon ng magulang particularly ng nanay yung unahin ang anak bago ang sarili. Pero kung pwede naman sabay-sabay bakit ang hindi? Di ba nga madalas nating marinig yung salitang “ayokong maranasan nila ang naranasan ko.”

    16.karen
    December 9th, 2006 10:25
    yan ang lagi kong sinasabi sa nanay ko kasi puro na lang siya bigay dapat may ititira naman siya sa sarili niya diba? but i guess ganyan talaga kadalasan ang mga nanay.

    17.Irene
    December 9th, 2006 23:20
    Ann, to each his own nga ano? Ganyan nga tayong mga magulang. Ayaw nating maranasan nila yung pinaghirapan natin.
    Karen, you’re a good daughter for reminding your mother to think about herself too.

    18.manilenya
    December 10th, 2006 19:57
    nyahahahaha joke lang ako na naiiyak ako sa bahaw Irene pero dun sa entry mo bout sa kid mo yung may song na I don’t wanna miss a thing talagang tumama sa kin yun

    19.Irene
    December 10th, 2006 22:30
    Ay loka ka talaga melai. Akala ko naman naiiyak ka talaga. Ako kasi mababa ang luha ko lalo na kapag may napapanood akong nakakaiyak.

    20.manilenya
    December 11th, 2006 03:34
    iyon yung may mga nakakaiyak na palabas sobra kong naiiyak nito lang nung nakalabas ako ng pinas sumobra pagkasenti ko Irene minsan na kahit comedy e ewan ko ba naiiyak ako sa mga parteng may konting drama lang

    21.KD
    December 11th, 2006 07:35
    Sa aking pong punto de vista bilang isang magulang, responsibilidad natin na ibigay sa ating mga anak ang lahat ng kanilang pangangailangan to the point nga na isusubo na lang natin ay ibibigay pa natin sa kanila. Dito ipinapakita at pinaparamdam natin sa kanila ang ating taos pusong pagmamahal.
    Bakit ba maraming pinoy ang nagtitiis na magpunta sa ibang bansa para magtrabaho. Tinitiis na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, tinitiis ang init at lamig para ano, diba para kumita ng pera, para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.
    Some may say its sacrifice, some may say it’s their obligation and same may say “wala lang”, but for me, we are doing this because we love them.

    22.Irene
    December 11th, 2006 08:37
    I agree with everything you said KD. Different people may see it as different things but in the end, we do these things out of love for our children.

    23.ralphT
    December 13th, 2006 16:23
    wait, this post is a little long.. so i’ll get back on this tom… am a bit drowzy now..

    24.Toe
    December 14th, 2006 12:58
    Galing ng Tagalog mo Irene. Kayang-kaya mo pala.
    Mommy ko din ganyan dati. Binibigay namin lahat yung buto ng mangga sa kanya tapos pisngi lahat sa’min. Linoloko na lang namin siya achaka sinasabi sa kanya na favorite n’ya yung buto. Baka yung mga anak mo, sabihin rin sa’yo… Mommy, we didn’t eat the bahaw because we know it’s your favorite. Patay!

    25.Irene
    December 15th, 2006 06:50
    RalphT, pasensiya na sa long post.
    Toe, natawa ako sa buto ng mangga. Ganyan din kasi dito sa amin. Ako nga rin ang kumakain ng buto.

    26.eric
    December 15th, 2006 08:52
    Iba talaga ang ina sa lahat. Habang buhay na sakripisyo para sa mga anak
    Pareho na tayo magsulat ng Tagalo, Irene!

    27.Irene
    December 17th, 2006 08:46
    Tutoo nga Eric, habang buhay na sakripisyo. Sige, magsulat ka na rin ng Tagalog.

    Comment by niceheart | February 24, 2008 | Reply

  2. [...] February 24, 2008 update: You can now view this article here.  [...]

    Pingback by Bahaw at Tutong - My first Tagalog post « n i c e h e a r t | February 24, 2008 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: